Thea and friends Part - 12

This story is about the adventures of Thea and her friends.

..

From Part 11

Paglabas ko ng gate matapos ihatid sina Sam at Misis, naisipan kong huwag muna bumalik sa hotel na tinitirhan namin.

Nagpark ako sa di kalayuan mula sa gate ng resort. Tahimik ang lugar na ito at halos walang dumadaan, pero ito ang daan papunta kina Manong, kung saan tumitira si Koko.

Naisip kong maghintay muna rito hanggang dumilim. Baka sakaling makakita ako ng daan sa gilid para makapasok sa loob.

Dumilim na nga, pero na-realize ko na mahirap pala lalo na’t hindi ko kabisado ang lugar. Mabuti sana kung nandito si Koko. Dahil dito, nagpasya akong umalis na lang at bumalik sa hotel.

Paandarin ko na sana ang sasakyan nang biglang may makita akong ilaw mula sa gate ng resort. Tumigil ako at naghintay para makita kung sino ang lalabas.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang sasakyan, umaasang maaninag kung sino ang mga sakay. Mabagal ang takbo nito kaya nakita ko ang tatlong tao sa loob—dalawang lalaki at isang babae. Yung babae, ang porma niya ay parang kay Misis, pero hindi ko lang maaninag nang malinaw ang mukha.

Nagtaka ako. Kung si Misis nga iyon, nasaan si Sam?

Habang hindi pa lumalayo ang sasakyan, nagdesisyon akong sundan ito. Pero bago umalis, nagchat muna ako kay Sam.

Sinubukan kong mag-message sa Instagram niya. Mas gusto ko kasing gamitin ang Instagram dahil mas malinaw ang mga pictures kung sakaling mag-reply siya.

"Hi Sam, kumusta na kayo diyan?" tanong ko.

Sam: "Uhmmm well, okay lang naman ako dito," maikli niyang sagot.

"How about si Thea, nandiyan ba siya?"

Sam: "Uhmmm... wala eh..."

Para yatang iba ang tuno ng pagsagot ni Sam, hindi naman...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow