HECTOR’S ADVENTURES (Chapter 15 - Signal No. 3)
Hector shares a memorable train ride with a beautiful young lady.
This is a work of fiction. Names, characters, events, and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
---
Sa sulok ng isang masikip na eskinita ng Chinatown sa Maynila matatagpuan ang jewelry shop ni Madam Bing. Kilala ang manghuhula sa mga ibinebenta nitong mga lucky charms at alahas na pampaswerte lalo na kapag panahon ng Chinese New Year. Marami rin siyang mga suking kliyenteng laging nagpapahula sa kanya. Bolang kristal, palm reading, tarot cards – sa lahat ng paraan ng panghuhula ay eksperto si Madam Bing.
Alas diyes ng umaga. Kapag ganitong oras ay karaniwang marami nang customer sa tindahan subalit ang araw na ito ay hindi pangkaraniwan. Napakadilim sa labas. Walang mga taong naglalakad sa lansangan. Malakas na ang ihip ng hangin at nagsisimula nang pumatak ang ulan. Parating na si bagyong Katring. Ayon sa PAGASA, tatawid ang mata ng bagyo sa Gitnang Luzon subalit mararamdaman din sa Metro Manila ang hagupit ng lakas nitong aabot sa Signal no. 3.
Iisa lamang ang kliyente ngayon ni Madam Bing. Ang totoo’y hindi niya balak magbukas ng tindahan gawa ng masamang panahon subalit bigla siyang tinawagan ng negosyanteng babae. Mayroon daw itong mahalagang ikokonsulta sa kanya. Dahil matagal na niya itong kliyente ay hindi niya ito nahindian.
Matapos balasahin ang mga tarot cards ay ikinalat niya ito sa bilog na lamesang natatakpan ng itim na tela. Madilim sa loob ng tindahan – ang mga nakasinding kandila ay nagbibigay ng malamlam na ilaw. Amoy na amoy ang umuusok na insenso sa isang s...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





