KAGAT SA MANSANAS (Part 5 SAYAW)

Pumasok si Shirley na isang Stripper sa sa Millionaire's Only exclusive club upang hanapin ang pinaniniwalaan nyang naging dahilan ng maagang pagpanaw ng kanyang ama.

..

Nakatitig si Solomon sa sasayaw-sayaw na liwanag ng spotlight sa gitna ng stage. Sumasabay ang pagpapalit ng iba-ibang kulay ng spot light sa salw ng maharot na tugtugin na pumupuno sa bahaging iyon ng club. Pero wala doon ang mga mananayaw. Blangko ang stage. Maliban sa mga ilaw at maharot na tugtog ay walang iba pang nasa loob ng club kundi si Solomon.

Subalit, sa kanyang balintataw ay naglalaro kung paano ang galaw ng isang buhay na mannequin sa saliw ng maharot na tugtog. Nasa imahinasyon nya ang high-lighter na malaking spot light na papaliguyan ng liwanag ng ilaw ang kahubaran ng isang strip-dancer. Kung paano nito tatakawin ang mga manonood sa alindog ng kahubaran nito.

Isang dance choreographer at stage director si Solomon. Ang pagkaalam ng owner/manager ng exclusive club na pinaglilikungkuran ni Solomon ay isa siyang ‘mhen’. Maging ang mga stripper sa club ay nag-aakalang berde rin ang dugo ni Solomon. Ganoon kasi siya kumilos pati magsalita.

Sanggol pa lang si Solomon nang iwanan siya ng kanyang biological na ina sa pangangalaga ni Roda. Screen name ito ni Rodrigo. Isang masipag na make-up artist si Rodrigo na siyang orihinal na berde ang dugo. Inaamin ni Rodrigo na isinilang styang isang babae sa katawan ng isang lalaki. Mula sa kanyang kamusmusan ay babae na ang kanyang pakiramdam sa sarili. Kaya nang naging ganap na binata na siya ay pinalaya nya ang kanyang sarili. Sa kabila ng galit ng kanyang ama ay iniladlad nya ang tunay nyang katauhan. Si Rodrigo ay naging si Roda.

Maswerte naman si Roda...

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow