HECTOR'S ADVENTURES (Chapter 02 - Flu Vaccine)
Hector and Trisha finally doing it in the hospital dressing room.
This is a work of fiction. Names, characters, events, and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental
-----
Chapter 2 Flu Vaccine
DING!
Huminto ang elevator sa 5th floor kung nasaan ang operating room complex ng ospital. Pagbukas na pagbukas ng elevator ay mabilis na lumakad si Hector palabas. Late na siya ng tatlumpung minuto.
"Shit! Late na ako," sa isip niya. "Kung bakit naman kasi kay aga-aga pa ay sobrang traffic na."
"Dr. Guzman… Please proceed to OR 5… Dr. Guzman… Please proceed to OR 5…", narinig ng binata sa PA system ng ospital.
"Pine-page na nila ako?" inis na isip ni Hector. "Sobrang late ko na ba talaga?"
Sa kanyang pagmamadali ay muntik na niyang mabunggo ang isang doktor na biglang tumawid sa harap niya.
"Uy Hector! Buti at nakita kita. I have a small favor to ask of you."
"Dr. Javier! Good morning sir! Yes sir, ano po yun?" tanong ni Hector.
Ang bumati sa kanya ay si Dr. Ramil Javier, animnapung taong gulang, isa sa mga senior surgeons ng ospital at isa sa mga guro ni Hector. Napakabait nito at mahusay magturo, kaya naman palagay ang loob sa kanya ng mga residente ng ospital. Para kay Hector ay role-model nga ang tingin niya rito. Pangarap niyang maging kagaya nito balang araw.
Ayaw man aminin ni Dr. Javier pero sa lahat ng mga surgery residents na estudyante niya ay si Hector ang pinakapaborito niya. Mabilis kasi itong matuto, mahusay ang m...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





